Asianews

P40-M worth jewelries lost in Ozamis City mall heist

MANILA, Philippines — Umabot na sa 443 katao ang nadisgrasya sa paputok habang inaabangan at pinagdiriwang ang Bagong Taon — isa sa mga kanila ay tinamaan ng stray bullet habang isa naman ang namatay.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) sa kanilang ika-12 fireworks-related injury (FWRI) report, bagay na sakop ang ika-21 ng Disyembre hanggang madaling araw ng ika-2 ng Enero.

“Ang kaso ng [stray bullet injury] ay isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Davao Region na nagkaroon ng tama ng bala sa kanyang kaliwang itaas na likod,” wika ng DOH ngayong Martes.

“Ang unang namatay ay isang 38/M mula sa Ilocos Region na nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman sa iba malapit sa nakaimbak na paputok. Hindi dapat magsama ang baril, alak, at paputok.”

Narito ang itsura ng mga pinankabagong kasong naitalaga ng Kagawaran ng Kalusugan:

“Mayroong isang daan at dalawampu’t dalawa (122, 28%) na mga kaso na may mga pinsala sa mata, na humahantong sa isang kumpirmadong kaso ng pagkabulag. Mayroon ding isa (1) pang kaso ng pagkawala ng pandinig, na naging dalawa (2) ang kabuuan,” dagdag pa ng DOH.

“Magsikap tayo upang maiwasan ang mga pinsala at pagkamatay mula sa ligaw na bala at ‘aksidente’ dahil sa kalasingan. Alam ng mga responsableng may-ari ng baril na ang balang ipinutok pataas ay bababa rin, at hindi gamit para sa pagdiriwang ang baril. Ang pagkamatay na iniulat ngayon ay isang insidente na naghihintay na mangyari dahil ang alak ay nakasisira ng wastong pagiisip. Maiiwasan natin ang mga ito; dapat tayong magtulungan sa lahat ng sektor para dito.”

Sa kabutihang palad, wala namang karagdagang naitalang kaso ng pagkakalunok ng paputok sa ngayon.

Sa kabuuan, pumalo na sa 443 ang naitatalang FWRIs. Sinasabing 441 sa kanila ay dahil sa paputok, isa ang dahil sa watusi habang isa naman ang tinamaan ng ligaw na bala.

Pumalo naman sa 17 ang napilitan maputulan ng bahagi ng katawan dahil sa firecrackers at fireworks. 97% sa mga nadisgrasya ay nangya ri sa sariling bahay at mga lansangan. Karamihan sa mga nadali ay lalaking may aktibong pakikilahok sa paputok.

Karamihan sa mga FWRIs ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:

Ang mga tukoy na paputok na nagdulot ng hindi bababa sa 70% ng mga FWRI ay ang mga sumusunod: kwitis, 5-star*, boga*, pla-pla*, whistle bomb, fountain, luces, piccolo* at triangle*.

Ang mga iligal na paputok (may asterisk) ay sinasabing nakapaminsala ng 173 katao, katumbas ng 39%. Sa kabilang-palad, karamihan sa mga FWRIs ay idinulot ng mga ligal na paputok.

“Magtulungan tayo para sa #BagongPilipinas kung saan #BawatBuhayMahalaga at nababawasan ang pinsala mula sa paputok,” panapos ng DOH.

COTABATO CITY — Three men stole some P40 million worth of jewelry and money from a safety vault and a bank automated teller machine in a heist inside the Gaisano Mall in Ozamis City before dawn Monday, New Year’s Day.

In an initial report on Tuesday, the Ozamis City Police Office and the Misamis Occidental Provincial Police Office separately announced that the scheming robbers broke through the Oro Italia Fine Jewelry store in the mall by digging a tunnel from an open food store beside it, enabling them to enter the establishment.

The th ieves took all the gold jewelry displayed in glass showcases and the cash in the safety vault of the store.

The management of the Oro Italia Fine Jewelry estimated that around P40 million worth of items and cash were taken away by three culprits whose identities local police probers are still trying to determine.

The suspects also destroyed an ATM machine of the Metrobank at one spot in the mall and took the money stored in it, according to the Ozamis CPO.

Investigators from the Ozamis City Police Office and intelligence agents from the Misamis Occidental PPO are reviewing security camera recordings collected from establishments in the Gaisano Mall as basis in identifying the three robbers for them to be charged with corresponding criminal cases.

More News

59

Bear with me. This will b

Scroll to Top