MANILA, Philippines — Kapamilya host Jhong Hilario shared his family’s experience with the recent earthquake in Japan on New Year’s Day.
In a report by A BS-CBN News, Jhong said that he, his wife Maia and daughter Zerina were staying on the 22nd floor in a hotel in Osaka, Japan when the earthquake hit.
“Nasa 22nd floor kami kaya ramdam na ramdam namin and talagan g nakita namin ‘yung umuga ‘yung buong building. Nakuhanan ko din ng video ‘yung pag-uga makikita mo doon sa video na gusto talaga bumaba ni Maia,” he said.
“Sabi ko, hindi gagana talaga ‘yung elevator ‘pag ganyan eh. Saka mahirap ‘pag nai-stuck ka sa elevator, hindi ka makakalabas na. ‘Pag nag-stairs naman kami, sobrang taas eh meron kaming dalang bata,” he added.
Although the recent Japan quake didn’t directly impact Osaka, it resulted in the loss of 62 lives as of this writing.
The “It’s Show time” host mentioned that they opted to vacate their room following the quake.
“Noong medyo humina, lumabas kami and then tinignan namin kung may mga nagbabaan, wala. Mayroon kaming nakitang room service, tinanong namin. [Sabi ko] ‘There’s an earthquake.’ Sabi [niya], ‘Oh yeah, it’s normal.’ So sa kanila parang normal na,” he said.
Jhong then expressed his gratitude for the safety of his family.
“Nakakatakot din kasi may tsunami warning daw, pero at least safe kami,” he said.
RELATED: Jhong Hilario shares how he aced college as magna cum laude amid busy schedule
MANILA, Philippines — Kinubra ng nag-iisang mananaya ang multi-million jackpot matapos tamaan ang Ultra Lotto 6/58 bago pumasok ang Bagong Taon 2024 — ito habang idinidiing totoo ang mga papremyo.
Ika-29 ng Disyembre lang nang tamaan ng lone bettor mula Albay ang mahigit P571 milyong lotto jackpot matapos tamaan ang ang mga sumsusunod na numero: 19-35-25-42-58-05.
“Ang masasabi ko lang sa mga nagsasabi na hindi totoo ang mga nanalo sa Lotto ay nagkakamali po kayo,” wika ng babae sa paskil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules.
“Kailangan niyo tumaya para malaman niyo na totoo ang lotto.”
Kinuha agad ng babae ang kanyang lotto winnings kahapon, ika-2 ng Enero.
Pinaplano ng nanalong ilagay ang napalanunan sa kanyang ipon, habang bahagi naman nito ang mapupunta sa kawanggawa.
Bagama’t apat na taon na raw siyang regular na naglalaro ng Scratch It games, sinasabing ito pa lang ang ikalawang beses na tumaya siya gamit ang lucky pick betting system.
Kanyang pag-amin, sinabi ng mananayang nae-enganyo siyang dahil sa napakalaking papremyo sa ilalim ng “Handog Pakabog.”
Matatandaang itinaas ng PCSO ang minimum guaranteed jackpot para sa Ultra 6/58 at Grand Lotto 6/55 patungong P500 milyon noong ika-016 ng Disyembre kaugnay ng “Handog Pakabog.”
Una nang sinabi ni PCSO general manager Melquiades Robles na pagpapakita ito ng PCSO ng pasasalamat sa lahat ng mananaya sa gitna ng Yuletide season.
Bagama’t P571,554,916.40 ang jackpot prize, hindi ito makukuha nang buo ng winner lalo na’t saklaw ito ng 20% tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.