MANILA, Philippines — Binanatan ng mga guro at kabataan ang utos ng Commission on Higher Education (CHED) na itigil ang inihahaing senior high school program sa mga state at local universities and colleges, bagay na minadali aniya at magulo.
Noong nakaraa ng linggo lang kasi nang utusan ni CHED chairperson Prospero de Vera ang lahat ng SUCs at LUCs na itigil ito simula school year 2024-2025.
Wala na raw kasing ligal na batayan para pondohan ito matapos mapaso ang K-12 transiti on period.
“We, the Teacher’s Dignity Coalition (TDC) and Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), assert that haphazardly discontinuing the Senior High School program in State and Local Universities and Colleges, without guaranteeing improved access and quality of our education system, will lead to economic displacement for o ur teachers and threaten our learners’ right to accessible and quality education,” ayon sa dalawang grupo.
“While we understand that SUCs and LUCs are mandated to offer the SHS program only during the K-12 transition period, we fear that mechanically following suit without serious consideration of the drawbacks on education stakeholders will lead to another learning crisis leaving 17,700 students affected by dislocation and hundreds of thousands more by imminent congestion.”
Una nang sinabi ng CHED na paso na ang pakikilahok ng mga LUCs at SUCs sa basic education sa pamamagitan ng SHS program. Tapos na raw kasi ang transition period na SYs 2016-2017 hanggang 2020-2021.
Sa halip, inengganyo ng TDC at SPARK ang national agencies na palawagin pa ang K-12 transition period para maisang-alang-alang ang oras at rekursong kinakailangan para matiyak na:
Aniya, makatutulong ang mga nabanggit para maiwasan din ang siksikan. Mababawasan din aniya ang dagdag na gastusin sa paglipat ng eskwelahan (pamasahe, uniporme at pagproproseso ng dokumento).
“Any less than this would mean failure to protect and fulfill the right of all citizens to quality education at all levels, and making such education accessible to all,” dagdag ng dalawang grupo.
Siniguro naman ng Department of Education ngayong araw na kayang saluhin ng mga pampublikong paaralan sa ngayon ang libu-libong SHS students na madi-displace sa susunod na taon sa pagputol ng programa.
“Yes, we can handle it. We’ve talked to the regional offices and schools division offices where we have enrollees in local universities,” ani DEpEd Assistant Secretary Francis Bringas.
“Out of the 17,700, an average of 250 learners per division will have to be accommodated by division offi ces.”
Maliban sa discontinuation ng SHS programs sa mga naturang e stabblisyamento, ihihinto na rin ang pamimigay ng SHS voucher subsidies sa mga estudyante sa mga SUCs, maliban sa paglalagay ng hanggang sa enrollment ng mga mga laboratory schools mula 1,000 estudyante patungong 750.
1$:55.500 UP
Closing as of 5:00 PM
MANILA, Philippines — Netflix released a new promotional video for Korean series “Gyeongseong Creature,” featuring the special participation of Maja Salvador.
The video sees the show’s actors, Park Seo-joon and Han So-hee, entering a room labeled “Philippine Creature.”
Seo-joon discovers vials with Philippine locations written on them such as Taguig, Quezon and Pampanga, and he picks up one that reads “Manila.”
Numerous drawings of fantastical creatures are seen on the wall, and the two leads focus on a figure whose head eerily appears like Maja’s character, Ivy Aguas, from the hit show “Wildflower.”
So-hee and Seo-joon compare the image with drawings of Maja’s face, and the video cuts to Maja herself imprisoned behind bars.
The two actors are startled by a sound, and a cell behind them had been broken out of, supposedly containing Maja.
“Sandale! Malapit na ang Part 2,” read the text on the video, another reference to a line said by Maja’s Ivy character.
The first seven episodes of “Gyeongseong Creature” dropped last December 22 and the remaining three will premiere on January 5.
Prior to its release, the second season of “Gyeongseong Creature” was already confirmed. — Video from Netflix Philippines’ YouTube channel
RELATED: Next Attraction: Movies, series showing in January 2024
MANILA, Philippines — Walang pasok sa buong Maynila sa susunod na linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, ayon sa bagong proklamasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kanyang Proclamation 434 na pinirmahan ngayong Huwebes, idineklarang special (non-working) day ang ika-9 ng Enero sa naturang lungsod.
“[It] is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” ayon sa proklamasyong nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“NOW, THEREFORE, I, LUCAS P. BERSAMIN, Executive Secretary, by authority of the President, FERDINAND R. MARCOS, JR., do hereby declare Tuesday, 09 January 2023, a special (non-working) day in the City of Manila.”
Tuwing special (non-working) day, ipinatutupad ang prinsipyong “no work, no pay” maliban na lang kung may umiiral na mas mainam na company practice o collective bargaining agreement na nagpapahintulot sa dagdag na bayad.
Gayunpaman, sinumang papasok sa araw na ito ay makakukuha ng dagdag na 30% ng kanilang basic wage para sa unang walong oras.
Para sa mga magtratrabaho nang higit dito, makakukuha sila ng dagdag 30% ng kanilang hourly rate.
Kung sakaling araw ng pahinga ng isang empleyado ang naturang araw, kinakailangan silang bayaran ng dagdag 50% ng kanilang basic wage sa unang walong oras ng trabaho.
Meron namang dagdag 30% ng hour rate ang mga empleyadong mag-o-overtime sa araw ng kanilang pahinga.
Ito ang unang beses na magsasagwa ng Traslacion ang Simbahang Katolika sa loob ng tatlong dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic — bagay na nakahawa na sa 4.13 milyon at pumatay sa 66,836 katao sa Pilipinas.
Hindi gaya ng dati, ilalagay sa loob ng salamin ang Black Nazarene para na rin maproteksyunan ang mahigit 400 taong imahe laban sa pinsala.
Mananatili namang bukas ang maliit na bahagi ng krus nito para sa mga debotong nagnanais itong mahawakan.
Pinaniniwalaan nang maraming mananampalatayang milagroso at nakagagaling ng mga sakit ang imahen, bagay na siyang dinudumog ng milyun-milyon taun-taon.