Asianews

Trillanes nagsampa ng cyber libel vs Roque, SMNI hosts, pro-Duterte vloggers

MANILA, Philippines — Tinamaan ng isang manggagawa mula sa probinsya ng Cavite ang milyun-milyong pisong papremyo ng Philippine Cha rity Sweepstakes Office (PCSO), bagay na binola noon pang ika-22 ng Abril.

Sa ulat ng PCSO ngayong Martes, sinabing tinayaan ng bagong milyunaryo ang sumusunod na numero: 33-17-40-09-42-20. Ang mga numero para sa Megalotto 6/45 ay kinuha niya raw mula sa kaarawan ng kanyang mga kapamilya.

“Kung hindi pupukpok, walang magagastos,” kwento ng 50-anyos na mananaya tungkol sa kanyang buhay bilang construction worker.

“Salamat po! Hindi rin po ako magpapakita ng mga malaking pagbabago sa aking pamumuhay upang hindi ako mahalata ng aking mga kapitbahay.”

Sinasabing 20 taon nang tumataya ang manggagawa sa lotto bago mapalanunan ang P46,011,957.80 lotto jackpot.

Pinayuhan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang nabanggit na itabi ang parte ng napalanunan, o ‘di kaya’y gamitin itong pamuhunan sa negosyo.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko ang mga nananalo ng lotto na pirmahan ang likod ng kanilang winning ticket, bukod sa paghahanda ng dalawang valid government IDs.

Sa kabila nito, kinakailangang magbayad ng 20% tax ang mga nananalo ng papremyong lalampas sa P10,000 alinsunod sa TRAIN Law.

Merong isang taon ang mga nananalo para kubrahin ang kanilang napalanunan sa PCSO Main Office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, ayon sa Republic Act 1169.

MANILA, Philippines — Haharap sa reklamong libelo at cyber libel ang ilang personalidad matapos diumano magkalat ng disinformation tungkol kay dating Sen. Sonny Trillanes IV, isa na rito ang sinasabing papel ng huli sa pagkawala ng Scarborough Shoal sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Trillanes sa publiko sa isang tweet na ipinaskil nga yong Martes ng hapon.

“Ngayong araw na ito, tayo po ay nagsampa ng kasong libel at cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office at sa National Bureau of Investigation laban kina Atty. Harry Roque, Vlogger Banat By, mga hosts ng SMNI, at mga pro-duterte trolls na patuloy na nagkakalat ng fake news sa iba’t ibang social media platforms laban sa akin,” ani Trillanes.

Kabilang pa sa mga accounts na gustong masampolan ni Trillanes ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sumusunod:

Inireklamo ni Trillanes si Roque, na tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos igiit na siya ang dahilan kung bakit nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal.

“Wag mong kakalimutan Trililing. Matapos na ika’y magbalik-balik sa China, hindi lang nawala ang Scarborough Shoal. Nagsimula na ang problema natin sa Pilipinas, na para bagang binalewala na ng Pilipinas ang  ating mga pag-aangkin sa karagatan at isla. Ikaw ang pumasok sa secret agreement,” ani Roque sa isang video.

“Trililing, ikaw – ikaw ang pumasok sa secret agreement! Ikaw ang namigay ng teritoryo! Ikaw at ang pangulo mo ang dahilan kung bakit nawala ang Scarborough Shoal!”

Ang video na ito ay inilabas ni Roque sa kanyang opisyal na Facebook page kaugnay ng diumano’y gentleman’s agreement ni Duterte sa Beijing kaugnay ng West Philippine Sea.

Una nang tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “secret agreement” ang naturang usapan, bagay na maaari aniyang makaapekto sa soberanya ng Pilipinas lalo na’t itinago raw ito sa mata ng publiko.

Ang mga komento ni Roque ay sinegunduhan ni Byron Cristobal o “Banat By,” dahilan para madamay din sa reklamo.

Sa hiwalay na reklamo, sinampahan din ng reklamo sina Guillermina Lalic Barrido (Guillermina Arcillas), MK Mondejar, Admar Vilando, Ludevija Ayang, Marlon Rosete, at Swara Sug Media Corp. — bagay na kilala rin sa tawag na Sonshine Media Network International (SMNI) News International Channel.

Hindi naman daw aaatras si Roque sa reklamong inihain ni Trillanes, ito habang sinasabing kontra sa malayang pamamahayag ang kanyang panghahabla.

“Bring it on! He who cannot fight in the free market place of ideas resort to the filing of libel cases!” ani Harry Roque, na isang abogado.

“By filing these cases, he has proven himself to be an enemy  freedom of expression. Im hardly surprised as he has opted in the past to use brute force in five star luxury hotels  rather  than engage in democratic discourse.”

“He says he was defamed when his role as back door negotiator with China resulted in our loss of Scarborough. But this is history. He was designated negotiator by then President [Noynoy] Aquino.”

Dagdag pa ni Roque, kataka-taka rin aniya na hindi isinapubliko ni Trillanes ang mga napagkasunduan sa Beijing.

Aniya, tangka lang daw ito ni Trillanes upang mapalitan ang kasaysayan pabor sa kanya para aniya “makakuha ng atensyon para sa pagtakbo sa darating na eleksyon.”

Isang buwan pa lang ang nakalilipas nang ipawalambisa ng Korte Suprema ang pagbasura ni Duterte sa amnestiya ni Trillanes, bagay na kaugnay pa rin ng 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Manila Peninsula Hotel Siege. — may mga ulat mula kay Ian Laqui

More News

Scroll to Top