MANILA, Philippines – Ang umano’y nag-leak na dokumento na iprinisinta ng isang dating agen t ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay isa lamang walang kuwentang pira-pirasong papel na nagresulta sa pag-aaksaya ng oras sa Senado.
Tinawag ng mga dati at kasalukuyang mambabatas at PDEA officials na palso ang umano’y nag-leak na dokumento mula sa ahensiya matapos ang serye ng mga pagdinig sa Senado hinggil dito.
Sa isang post sa X, pinagtawanan ni dating Sen. Panfilo Lacson ang “pira-pirasong papel” na iprinisinta ni ex-PDEA agent Jonathan Morales upang aku sahan ang Presidente ng ilegal na paggamit ng droga.
Sinabi rin ni dating Sen. Antonio Trillanes na ang Senate hearings na pinamunuan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay bahagi ng “communications plan” para patalsikin si Presidente Ferdinand Marcos Jr.
“‘Yung hearing na ginagawa ni Bato Dela Rosa sa Senado ay parte ng communications plan in connection with the ouster plot laban kay President Marcos,” ani Trillanes.
Ang ex-PDEA agent na pinatunayan ang umano’y pekeng dokumento ay pinaniniwalaang nasira ang kredibilidad matapos mabunyag ang kanyang criminal at administrative cases sa hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs n oong Lunes, Mayo 13.
Ibinunyag ni dating PDEA director general Arturo Cacdac na umamin si Morales sa pagtatanim ng ebidensiya sa isang operasyon laban sa umano’y Filipino-Chinese drug suspects.
“Mr. Morales said that the contents of his affidavit were false because the evidence were fabricated and the evidence planted,” wika ni Cacdac, tinukoy ang memorandum ng PDEA Legal and Prosecution Service na may petsang December 26, 2012.
“Kaya ako po ay namangha. Ang tagal ko po sa serbisyo, ngayon lang ako nakaranas nang ganun. Samantala mga ahente po natin na hindi nag-aappear sa korte, at nadi-dismiss ang kaso, kinakasuhan na po namin agad,” pagbibigay-diin ng dating PDEA chief.
Kasunod ng mga pahayag ni Cacdac ay tinanong si Morales at sinabi niya na, “Totoo po ‘yung sinasabi ni General Cacdac.”
Binigyang-diin din ni PDEA Legal and Prosecution Service acting director Atty. Francis del Valle na “ang pangalang Bongbong Marcos alyas Bonget ay hindi lumalabas sa national drug inform ation system o interagency drug information database kaya kailanman ay hindi siya nakasama sa drug war list.”
Sinabi rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailanman ay walang naipakitang ebidensiya si Morales na nagpapatunay sa serye ng kanyang akusasyon sa mga pagdinig sa Senado.
“While certain claims were made, documentary evidence is yet to be presented. There were no pictures, no corroborating testimonies. In other words, this was solely based on a testimony of one person based on what appears to be hearsay evidence,” sabi ni Zubiri.
“Kaila ngan ng ebidensya. Hindi pwedeng sabi-sabi lang at pinapaalala natin ang halaga na mapagkakatiwalaang resources. Walang tsismis, walang pulitika, katotohanan lang.”
MANILA, Philippines — Haharap sa reklamong libelo at cyber libel ang ilang personalidad matapos diumano magkalat ng disinformation tungkol kay dating Sen. Sonny Trillanes IV, isa na rito ang sinasabing papel ng huli sa pagkawala ng Scarborough Shoal sa Pilipinas.
Ito ang ibinahagi ni Trillanes sa publiko sa isang tweet na ipinaskil ngayong Martes ng hapon.
“Ngayong araw na ito, tayo po ay nagsampa ng kasong libel at cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office at sa National Bureau of Investigation laban kina Atty. Harry Roque, Vlogger Banat By, mga hosts ng SMNI, at mga pro-duterte trolls na patuloy na nagkakalat ng fake news sa iba’t ibang social media platforms laban sa akin,” ani Trillanes.
Kabilang pa sa mga accounts na gustong masampolan ni Trillanes ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sumusunod:
Inireklamo ni Trillanes si Roque, na tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos igiit na siya ang dahilan kung bakit nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal.
“Wag mong kakalimutan Trililing. Matapos na ika’y magbalik-balik sa China, hindi lang nawala ang Scarborough Shoal. Nagsimula na ang problema natin sa Pilipinas, na para bagang binalewala na ng Pilipinas ang ating mga pag-aangkin sa karagatan at isla. Ikaw ang pumasok sa secret agreement,” ani Roque sa isang video.
“Trililing, ikaw – ikaw ang pumasok sa secret agreement! Ikaw ang namigay ng teritoryo! Ikaw at ang pangulo mo ang dahilan kung bakit nawala ang Scarborough Shoal!”
Ang video na ito ay inilabas ni Roque sa kanyang opisyal na Facebook page kaugnay ng diumano’y gentleman’s agreement ni Duterte sa Beijing kaugnay ng West Philippine Sea.
Una nang tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “secret agreement” ang naturang usapan, bagay na maaari aniyang makaapekto sa soberanya ng Pilipinas lalo na’t itinago raw ito sa mata ng publiko.
Ang mga komento ni Roque ay sinegunduhan ni Byron Cristobal o “Banat By,” dahilan para madamay din sa reklamo.
Sa hiwalay na reklamo, sinampahan din ng reklamo sina Guillermina Lalic Barrido (Guillermina Arcillas), MK Mondejar, Admar Vilando, Ludevija Ayang, Marlon Rosete, at Swara Sug Media Corp. — bagay na kilala rin sa tawag na Sonshine Media Network International (SMNI) News International Channel.
Hindi naman daw aaatras si Roque sa reklamong inihain ni Trillanes, ito habang sinasabing kontra sa malayang pamamahayag ang kanyang panghahabla.
“Bring it on! He who cannot fight in the free market place of ideas resort to the filing of libel cases!” ani Harry Roque, na isang abogado.
“By filing these cases, he has proven himself to be an enemy freedom of expression. Im hardly surprised as he has opted in the past to use brute force in five star luxury hotels rather than engage in democratic discourse.”
“He says he was defamed when his role as back door negotiator with China resulted in our loss of Scarborough. But this is history. He was designated negotiator by then President [Noynoy] Aquino.”
Dagdag pa ni Roque, kataka-taka rin aniya na hindi isinapubliko ni Trillanes ang mga napagkasunduan sa Beijing.
Aniya, tangka lang daw ito ni Trillanes upang mapalitan ang kasaysayan pabor sa kanya para aniya “makakuha ng atensyon para sa pagtakbo sa darating na eleksyon.”
Isang buwan pa lang ang nakalilipas nang ipawalambisa ng Korte Suprema ang pagbasura ni Duterte sa amnestiya ni Trillanes, bagay na kaugnay pa rin ng 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Manila Peninsula Hotel Siege. — may mga ulat mula kay Ian Laqui